★Supremo★

★Supremo★

Tumblr-serye WILDCARD EDITION Presents: Feb-ibig: “Anniversary”

For best reading experience, listen to the music while reading, loop if necessary.

enjoy:)


“Sinubukan Kitang kalimutan,. Pero bakit ganito…..ang sakit-sakit…ang hirap-hirap makalimot. Siguro dahil sa mahirap lang talagang kalimutan ang isang taong mahal mo pa hanggang sa ngayun.” - Jay

Ipinakilala ko ang bestfriend kong si Felix sa girlfriend kong si Anna.

Ako ang naging tulay para maging magkakaibigan kaming tatlo. Halos araw-araw kaming magkakasama. Magkaka-barkada. 

At hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nagkakagustuhan na sila. 

Hinayaan ko lang….hindi ko pinansin dahil ayokong masira kung ano man meron kami sa ngayun. Tuwing mahuhuli ko silang dalawa na pasulyap na nagtitinginan, nagseselos ako. Tuwing magdidikit silang dalawa, nagseselos na ko. Tuwing mag-uusap sila na parang wala na ko sa tabi nila, sobrang nagseselos na ko. Pinagseselosan ko ang bestfriend kong si Felix. 

Nakita ko silang nag-uusap sa may gate ng eskwelehan namin. Napatigil ako. Nagtaka. Napatitig sa kanilang dalawa. Nagulat na lang ako dahil halos magkadikit na ang kanilang mga katawan magkahawak ang isa nilang mga kamay. Hindi ko kinaya at lumapit ako…….

“Kung hindi ko kayo kilala aakalain kong may relasyon kayo.”

Nakita kong nagulat sila sa pagdating ko. Binitawan ni Anna ang kamay ni Felix. Inalis ni Felix ang pagkakatitig nya kay Anna. Niyakap ko si Anna at sabay bati ng….

“Happy Monthsary Anna.”

“Happy Monthsary din Jay.”

Niyakap kong muli si Anna upang ipakita kay Felix na akin si Anna pero nagulat ako at hindi ako tanga para hindi makita na habang yakap ko si Anna ay sya namang hawak ni Anna sa kamay ni Felix. Sobrang galit at selos ang nararamdaman ko ng mga oras na to…..

Gusto kong umiyak……. 

Gusto ko silang sumbatan……… 

Gusto ko silang awayin at hayaan na lang silang mag-sama. 

Pero paano na lang ako?

Ako ang unang minahal. Ako ang boyfriend. Ako ang kayakap. Ako si Jay nagpapakatanga at pilit na umaasa na ako padin na kami parin ni Anna kahit na may kahati na ko sa puso nya. Hinayaan ko at kinakaya dahil sa…… 

“Mahal ko eh!” 

Hindi na kami nagkita at nagkausap ni Felix mula noong iwan namin sya sa may gate ng eskwelehan habang tinatanaw nya kaming papalayo. Noong mga oras na yun nakita kong nilingon ni Anna si Felix na sya namang tingin ko sa kanya…… 

“Anna mahal mo pa ba ko?” 

“Jay…..ma….mahal kita.” 

Kasinungalingan man ito pero masaya ko sa narinig ko. Hanggang sa sinasabi nyang mahal nya pa ko aasa kong kami parin hanggang dulo.

…………………………………………………………

Wala na kami ni Anna. Hindi rin kami nagtagal. Matagal na kaming naghiwalay pagkatapos naming makagraduate ng 4rth year napagkasunduan naming maghiwalay, walang samaan ng loob, at simula noon hindi narin kami nagkita nagkausap ni Anna. Si Anna ang una kong minahal at minamahal hanggang sa ngayun…….

Naghiwalay kami ni Anna dahil kay Felix.

Nalaman kong aalis na si Felix papuntang Saudi. Gusto kong malaman kung bakit bigla syang nawala. Pero nahuli ako ng dating nakaalis na sya. Ang tito nya ang nakausap ko at tinanong kung bakit kailangang umalis ni Felix.

Nagtago ako sa isang puno malapit sa bahay nila Felix. Hinintay kong dumating si Anna. Malakas ang ulan kasabay nito ang hindi ko mapigil na pagpatak ng aking mga luha.

Dumating si Anna tumatakbo at nakita ko syang umiiyak habang kausap nya ang tito ni Felix malamang alam na nya ang dahilan ng pag-alis ni Felix. Mahal sya ni Felix pero ako ang nandito at pwede nyang makasama.

Gusto ko syang yakapin at sabihing andito pa ko. Pero tanging tanaw lang ang nagawa ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan syang tumatakbo papalayo sa bahay nila Felix at papalayo sa akin.

Isang patak ng luha ang nagpagising sakin sa kasalukuyan at isang bulong sa hangin ng…

“Happy Anniversary Anna.”


  1. fuckyeahchaxelos reblogged this from fuckyeahchaxelos and added:
    Tumblr-serye WILDCARD EDITION Presents: Feb-ibig: “Anniversary” For best reading experience, listen to the music, loop...