★Ako Ang Supremo★

★Ako Ang Supremo★

Tumblr-serye Batch 3 Presents: Short Life Stories: “Puzzle”

*Press the Play Button While Reading, loop if necesarry*

Enjoy :)

Marahil, marami na kayong love stories na nabasa, mga istorya ng dalawang pusong nagmamahalan, pinagtagpo ng tadhana at pinag-isa. Pero ‘di ito ang istoryang inyong masasaksihan. Istorya ito ng isang bawal na pag-ibig na hindi sinasadya, pag-ibig na hindi nagkaraoon ng magandang katapusan.

Ako nga pala si Robin, isang typical na college student. May pagkapayat, matangkad at balingkinitan ang pangangatawan. Mahilig akong maglaro ng soccer, at varsity ako ng unibersidad na aking pinapasukan. Popular ako sa nakararami, lalo na pagdating sa babae. ‘Di ko pinoproblema ang paghahanap ng chicks. Sila mismo ang lumalapit sa akin. Pero siyempre, lahat naman ng bagay may karma, may katapusan.

Nakilala ko itong isang babae na bumago sa buhay ko. Simple, maganda, mahaba ang buhok, naka-salamin at may pagka-chinita. Hindi siya kamukha ng iba na naghahabol sa akin. Marahil ‘di siya interesado sa lalaking katulad ko; palingkero, mahilig manloko.

Nakilala ko siya nung isang beses na kinailangan ko mag-research sa library. Thesis writing, kaya mukhang magtatambay ako ng madalas dito. Nakita ko siyang may ginagawang “jigsaw puzzle”. Naka-upo siya sa isang sulok, hawak ang sobrang laking frame. Nilapitan ko siya at kinausap. Tiningnan lang niya ako at hindi pinansin. Patuloy lang siya sa paghahanap ng kapiraso ng bawat butil ng puzzle na binubo nya. “WEIRD”. Yan ang una kong naisip. Pero siyempre, na-challenge ako sa kanya. ‘Di ba niya ko kilala? Bakit hindi man lang siya nagulat nung kinausap ko siya? Ito ang patuloy na umiikot sa aking isipan. 

Lumipas ang bawat araw, lagi ko siyang nakikita. Lalo akong nabibighani sa kanya. Nawawala ako sa focus. Gusto ko siyang kulitin. Gusto ko siyang kilalanin. Unti-unti, habang pinagmamasdan ko siya, natutunaw ang bawat tao sa paligid. Nawawala silang lahat na parang yelo na natapat sa araw. Naisip ko, ano ba ang meron ka at masyado na lang akong nahumaling sayo? Gusto kita makilala. Gusto kitang makasama.

Dumaan ang mga panahon at naging close kami. Madalas kaming sabay kumakain ng tanghalian, sabay umuwi, at halos maghapon magkasama. Sabay naming binubuo ang gahiganteng Jigsaw Puzzle na noo’y nagustuhan ko na ring gawin. Sabi niya kasi, pwede ka raw mag-wish ‘pag natapos mo ito.“Isa ‘tong rason kung paano tayo nagkakilala. Gusto kong maging parte ka din ng buhay ko pagtapos ko nito.”  yang ang sabi nya.

Pero alam ko na may mali sa ginagawa ko, dahil kung hindi niyo na maitatanong, meron siyang boyfriend na nasa ibang bansa. Masyado kong pinapaasa ang sarili ko sa walang kasiguraduhan. Alam na alam ko na hindi magtatagal ay iiwan din niya ako. Pero masisisi mo ba ako kung dito ako masaya?

Nag-oovernight ako sa kanila, at ganun din siya sa amin. Sabi niya, ako na raw ang best friend niya dahil sobrang bait ko raw at sobrang maalalahanin ko raw.“FRIEND-ZONED”, diyan lang ako nakalagay sa puso niya. Pero ganun pa man, alam ko na iba ang tibok ng puso ko. Bahala na, basta i-eenjoy ko na lang ang bawat oras na palagi kaming magkasama.

Isang beses, hinintay ko siya sa library, sa lugar kung saan lagi kaming nagkikita. Nakapagtataka, ngunit wala siya sa dating tagpuan. Naghintay ako ng matagal at kinabahan. Sinubukan ko siyang tawagan, ngunit walang sumasagot. Dali dali akong umalis ng iskuwela at nagpunta sa kanilang bahay. Habang papalapit, meron akong nakitang pulang kotse sa labas ng kanilang bahay. Nalungkot ako sa nakita ko, ito na ba ang araw na pinaka-ayaw kong dumating? Ito na ba ang panahon na kinakatakutan ko?

Naglakas loob akong kumatok sa gate, lumabas ang mama niya at  agad akong pinapasok. Pinaupo ako sa sala at pinagtimpla ng juice. Sanay na kong nagpupunta sa kanila, ngunit parang may iba nung araw na yon. Bago pa ko mag tanong, sinabi ni TITA na ‘di daw ako mahaharap ng kanyang anak. May sakit daw ito at’di makabangon. Nagtaka ako sa aking narinig, ngunit hindi na ako umimik. Meron nang kutob na bumabalot sa aking puso. Ayoko itong harapin. Ayoko itong isipin.

Kinabukasan, Sabado, maaga akong gumising at naligo. ‘Di ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi na siya nagtetext at hindi din siya nag-online sa skype magdamag. Nababaliw na ko sa kakaisip. Alam ko naman na alam ko na ang sagot, ngunit ayaw ko lang itong harapin. Bumili ako ng paborito niyang tsokolateng Butterfinger, at prutas na alam kong matutuwa siya ‘pag nakita niyang may dala ako. Tumungo ako at sinimulan bumiyahe papunta sa kanila. May kalayuan din kasi ito sa bahay namin, kaya halos dalawang oras din ang inabot bago ako nakarating.

Pagdating ko sa kanila, nakabukas ang  gate. Andun na naman ang pulang kotse na nakita ko kahapon. Pumasok ako sa loob, ngunit walang tao. Tumuloy na akong kumatok sa kanyang kwarto. Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita ko syang nakahiga at natutulog sa kama. Habang lumalaki ang siwang na naabot ng pinto, naaninag ko itong isang lalaki na nakaupo sa kanyang tabi, nakahawak sa kanyang kamay. Napatingin siya sa akin at tinanong kung sino ako. Nagising siya at napatingin din sakin. Nagkatitigian kaming dalawa na wari’y nag-uusap, ngunit nababalot ng kalungkutan at pagkagulat na animo’y nagkakaintidihan sa bawat tingin. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko nung panahon na yon. Inilapag ko ang dala ko sa lamesa at agarang umalis. Hindi ko kayang tagalan ang mga nakikita ko. Nasasaktan ako pero wala naman akong karapatan.

Ilang araw akong hindi nagpunta ng library, ilang araw kaming walang kumunikasyon. Dumaan ang dalawang linggo na hindi kami nagkikita, pero kahit pa ganon, kahit na alam ko na para sa akin din itong ginagwa ko, ‘di ko mapigilan masaktan. Tuwing naaalala ko ang bawat oras na magkasama kami, mga oras na naging masaya ako, pakiramdam ko may parte ng buhay ko ang nawala, may parte ng sarili ko na naiwan pa rin sa kanya.

Isang hapon, habang papalubog ang araw, naghintay ako sa isang maliit na tulay, sa may labasan ng iskuwela kung saan siya dumadaan. Hinintay ko siya hanggang sa makita ko na siyang papalapit. Kinakabahan ako habang unti-unti niyang binabagtas ang daan papalapit sa akin. Nakatingin siya sa akin na wari’y nangungusap. Hindi pa siya nakakalapit ay tumakbo ako sa kanya papalapit at yumakap ng mahigpit. “Miss na miss na kita..” At kasabay nito ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. “Namimiss na rin kita..” Sabay higpit ng yakap niya sa akin.

Noong mga panahong yon, pakirmdam ko ay sasabog na ang aking puso. Wala na akonng pakialam kung masama o bawal, basta dama ko ang pagkasabik sa higpit ng yakap at makasama siyang muli. Noong mga oras na yon, nanumbalik ang saya sa aking puso. Dali-dali akong bumitaw saglit sa kanya, at tumingin sa kanyang mata. “Mahal kita, mahal na mahal! Ako na lang ang piliin mo. Masaya naman tayo, ‘di ba? ‘Wag mo na kong iiwan. Gagawin ko ang lahat. Please? Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko.”Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. “Alam naman natin na mali, ‘di ba? Alam mo naman yung kalagayan ko, pero bakit hinayaan mo na dumating tayo sa punto na ‘to? Mahal kita pero hindi tama. Mahal ko ang Boyfriend ko. Alam mo yun. I’m very sorry Robin… ‘Di ko sinasadya na umabot tayo sa ganito. Hindi ko sinasadya na masaktan ka Im so sorry Bumitiw siya sa akin at tuluyang lumakad papalayo sa aking kinatatayuan. Natulala ako sa realidad ng buhay na sumapak sa akin. Simula noon ay hindi na niya ako kinausap. Hindi na rin siya nagpunta sa library. Nabalitaan ko na lang na lumpita na pala siya ng eskuwelahan.

Tinuloy ko pa ring gawin ang puzzle na dati rati naming ginagawang dalawa, na sabi niya’y naging parte ng aming pagkakakilala. Pero ‘di gaya ng dati, wala nang nangungulit saking tabi. Wala na ang dati’y palaging nagyaya sakin kumain sa canteen. Inabot ako ng isang buwan bago ako dumating sa huling sampung piraso. Bawat piraso nito ay nagsisimbulo ng oras na aming pinagsamahan, tatlo, dalawa, at nang dumating na sa huling piraso, umalis ako ng library at pumunta sa tulay kung saan huli kaming nagkita. Itinapon ko ang huling piraso na bubuo sana sa pinagpaguran naming dalawa. Dahil kagaya ko, may isang parte ng buhay ko ang nawala kasama niya.   


  1. fuckyeahchaxelos reblogged this from fuckyeahchaxelos and added:
    Tumblr-serye Batch 3 Presents: Short Life Stories: “Puzzle” *Listen While Reading, loop if necesarry* Enjoy :) Marahil,...
  2. adeeongtawco reblogged this from fuckyeahchaxelos
  3. freakyrobin reblogged this from fuckyeahchaxelos and added:
    Marahil, Marami na kayong Love Story na nabasa, Istorya ng dalawang pusong nagmamahalan, pinag tagpo ng tadhana at pinag...
  4. swaggervin said: sad… =(
  5. abidimazana reblogged this from fuckyeahchaxelos
  6. nhadlovesyou reblogged this from fuckyeahchaxelos and added:
    :((
  7. drncnp said: Ang ganda. :) Sir, try mo po kayang magsulat din sa wattpad? O kaya gawa ka libro. Gawin mong business. :8)
  8. diaryofwimpyneil said: asteeg, may BG music pa katulad nang sa salamin! ahahaha Okie read mode. si kuya Robin naman bida :D