★Ako Ang Supremo★

★Ako Ang Supremo★

The Infant appears normal and feeds well.

FUCK.

The Infant appears normal and feeds well.

FUCK.


Hating gabing Dayari

parang  bigla akong  tinabangan umuwi, ewan ko nitong mga nakaraang araw sobrang excited na ako sa flight ko, kahit ilang buwan pa ang bibilangin pero ewan ko parang di na ako excited.

di ko kasi alam kung sulit pa ang uwi ko, badtrip pa din ako sa mga tropa ko, kaya parang isang factor na din un, pangalawa parang ewan ko, ung mga kaibigan ko dito sa tumblr na dapat i memeet ko, parang ewan ko nawala na din ung pag ka excite ko. 

basta parang ang loner mode lang kasi ng bakasyon ko. tama na oo namiss ko ng sobra ang pinas, na miss ko ng sobra ang pamilya ko pero parang hindi na masyado ganon lhat ng mga taon naiwan ko. 

sabi nga nila be careful what you wish for. ewan ko kasi dati parang napaka safe ng buhay ko. parang napaka robot ng mga nangyayari sakin. paulit ulit, palaging safe. palaging ganon nalang. palaging un nalang. wala akong kagalit. kawala akong nakaka alitan. wala din akong nakaktampuhan, sabi ko noon, ano ba ang pakiramdam ng mayroon kang taong iniiwasan? bakit parang ang buhay ko lang ang hindi kumplikado? bakit parang ung buhay ko lang ang hindi delikado?

para akong tanga na humihingi ng problema. andaming tao na gusto na tahimik na buhay pero ako eto nag nanaiis na mag karoon kahit isa, siguro para maramdaman ko na tao ako?  kasi naisip ko “that will make me human”  ang weird oo, sobrang weird. pero yan talga naisip ko. pero ngayon na eto na, parang ayoko na. 

hindi ko inakala na mahirap pala, ayoko ng ganitong pakiramdam, ayoko ng gaitong nararamdaman. mas ok na pala ung simple lang,walang gaanong iniisip walang gaanong iniintindi. 

pero wala na, andito na ako, sa ayaw ko man at sa hindi ilang buwan mula ngayon uuwi ako ng pilipinas, hahrapin ko ung mga taong “pinorpoblema” ko. ung mga taong dahilan ng pag ka matamblay ko. bahala na si batman sabi nga ni robin. come what may. im fucking ready.




Ang Hirap sa Babae…

  • Hindi mo alam ang iniisip
  • nakangiti pero galit pala
  •  sasabihan kang “Ok lang” pero hindi talaga ok.
  • pag hindi mo tinext masama ka, pag tinadtad mo ng text makulit ka
  • bigla ka nalang tatanungin ng “pag tatalon ba ako sa building, sasaluhin mo ba ako sa baba o tatalon ka kasama ko?” 
  • tinotopak pag may REGLA
  • alam mong mag kakaregla na dahil moody na
  • ung mga IT’S A TRAP question na ” maganda ba yang bestfriend mo?”
  • pag hindi pa sila inaantok dapat hindi ka pa din inaantok
  • pipilitin kang mag Gwiyomi live in national SKYPE broadcasting. 
  • o mas masaklap papaupload pa sayo sa youtube
  • ayaw daw ng French fries pero uubusin ung order mo
  • magagalit sayo pag pinakain mo ng marami, pinapataba mo daw sya
  • ang desisyon na hindi mababali, pero paiba iba ng isip
  • tatanungin ka kung  bagay daw ba ang damit nya sa bag nya kahit wala ka naman alam sa girls fashion
  • pag nalate ka ng 10 milliseconds giyera na kaagad, pero pag sila may allowance na 15 minutes to 10 years. 
  • bawal ka tumingin sa ibang girls, pero abot ang sabi na hot si Chaning tatum.
  • siya ang mamimili ng movie, ng flavor ng popcorn at kung yayakin mo sya sa sinehan o hindi.
  • pag badtrip sya sa boss nya dapat ma badtrip ka din sa boss nya
  • pag inaantok na sya wag ka ng makulit. matutulog na sya kaya matulog ka na din
  • dapat may good morning text, mandatory un. wag kalimutan ang smiley.
  • pag busy ka at di sya busy, dapat hindi ka busy. sya lang ang may karapatan sa excuse na ” busy ako”
  • pag nasa kwarto kayong dalawa at inagawan ka ng pc, bawal ka matulog. panuorin mo syang mag candy crush. moral support. 
  • wag mo syang lagpasan sa level ng candy crush
  • pag binadtrip mo sya, sa sahig ka matutulog
  • mahilig kumain pero wag mo sasabihin na mahilig sya kumain
  • ang term na TAMAD ay pusa, wag gagamtin ang salitang tamad, pusa lang dapat
  • sakyan lahat ng kaweirduhan nya sa buhay, pati na din ang obsession nya sa kung anong bagay
  • matuto ka dapat makinig sa lahat ng TV series na ikkwento nya, minsan dapat mo din itong panuorin. xoxo -A  
  • pag sinabihan kang “call me now” kahit na sa gitna ka ng brain surgery operation tumawag ka
  • at higit sa lahat kahit ano pang kabaliwan, pasakit,  kakornihan,  ang pagawa/ gawin sayo, bandang huli, sa kabila ng lahat ng ito, MAHAL na MAHAL mo pa din sya
  • at wala kang magagawa. 


need your opinion guys. ok lang ba sya? gusto ko kasi bumili ng may digital watch for work. nahihirapan kasi ako mag convrt ng military time pag nag chacharting. so need ko ng may digital clock.

need your opinion guys. ok lang ba sya? gusto ko kasi bumili ng may digital watch for work. nahihirapan kasi ako mag convrt ng military time pag nag chacharting. so need ko ng may digital clock.



amen



Tidus and Yuna in Glorious HD thanks to my Monster PC. 

been a while since i played this game. it feels like yesterday but the truth is; like Tidus, it was 10 years ago. 


Sa walang sawang pagbili mo ng samot saring isda na alam mo naman na hindi ko kinakain pero pipilitin mo  pa din ako at sasabihing “Inosente! Wala ka talgang alam kainin kundi galungong!”

ung mga panahon na bigla ka nalang bubulaga sa labas ng Apartment ko sa manila na hindi ako ready.  yayayain ako lumabas para bumili ng “sibuyas” pero pag uwi natin, parang binili na natin ang buong SM.

ung mga panahon na break kami ni gf, ikaw ang na yaya sa akin na manuod ng twilight, na hindi ko parin mapaliwanag kung bakit, marahil alam mo siguro na lagi ko un napapanood na may kasama, sa dalas kong sabihin na sayang ang pera dapat dinownload ko nalang.

ung kahit anong sakit ng paa, bumalik tayo sa loob ng mall at nagalit ka sa akin ng hindi ko kaagad sayo sinabi  na nakasalubong ko si John Loyd sa Escalator. tumagal tayo ng 20 minutes ulit kakahanap sa kanya. 

Yung walang sawang sermon tungkol sa pag kain ng gulay, pag kain ng tama umiwas sa karne at lahat ng bawal habang kumakain ka ng Magnum na Ice cream na bawal din sayo.

Yung mapapa susmaryosep ka nalang sa mahal ng binayaran sa kinain na sasabhin sakin na “yan na ba ung 250 na binayaran ko? Wala pang 100 puhunan dyan!”

At yung walang sawang nag papaalala sakin araw araw na isa ako sa pinaka maswerteng Anak sa buong mundo pag balibaliktarin mo man ikaw pa ring ang Da Best Mame sa buhay ko.

Happy Mothers Day!



Ang pag lalakbay ni Abarai (at Abu Dhabi)



A day at the beach with her :) (at Marina Beach, Abu Dhabi)



greetings from work. 



accurate

accurate



#throwbackthursday tumblrmag way way back. Good old blogging days.



(Source: illmatic-halflife)


Bakit ang Weird mo?

Bakit ka ba kakaiba? minsan hindi mo ba naisip na sana pala kagaya ka nalang nila? na sana hindi ka nalang naging kasing wirdo katulad ng kung ano ka?

na sana hindi ka nalang nahihiwalay sa kung ano ang normal at sumabay nalang sa alon ng kung ano ang nasa paligid mo?

sabi nila lahat daw ng tao ay indibidwal, lahat daw tayo ay may natatanging personalidad na tayo lang ang mayron, pero minsan nasosobrahan tayo sa pagiging kakaiba sa nakakarami, minsan sa sobrang pagiging “unique” ng ating katauhan nagiging wirdo na ang tingin sayo ng nakakarami.

hindi ka naman daw aangat kung palagi ka nalang nakikigaya, hindi ka naman daw makikilala kung hindi kakaiba ang yong ipinapakita ngunit maraming pg kakataon na mananatili kang mag isa dahil ikaw lang ang natataning iba sa lahat. maraming pag kakataon ang lilipas na ikaw lang ang makakpansin sa sarili mong mundo. na ikaw lang ang makakikila ng sarili mong desisyon, opinyon at konklusyon. maswerte ka kung makakita ka ng mga taong kagaya mo, kagaya mo na iba ang pag iisip.

sabi nga nila “birds of the same feathers, flock together” binabasa mo to ngayon kasi kakaiba ka din, binabasa mo ito ngayon sa website na to dahil isa ka sa mga indibidwal na iba ang pananawa sa mga bagay bagay, ma swerte ang mga taong marunong umunawa ng higit pa sa pwedeng ibigay ng iba.

nakaabot ka sa huling talatanito dahil marahil binasa mo lahat ng kuntektso. o baka naakit ka sa title kaya na intriga ka sa nilalaman nito.

weirdo tayo, weirdo ako, kaya tayo nakakalamang sa iba; dahil iba tayong magi isip. iba tayong umunawa.

wag kang mahihya na maging kakaiba. walang makaka appreciate sayo ng lubos, kundi ang sarili mo.